Napiling artikulo |
|
Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 26, 1972) ay isa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan. Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan, nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino.
Marami pang artikulong napili...
|
Mga kasalukuyang kaganapan |

- Sa himpilan ng Nagkakaisang mga Bansa sa Lungsod ng Bagong York, hinimok ni Gloria Macapagal-Arroyo, pangulo ng Pilipinas, ang lahat ng mga bansa tungo sa pagkakaroon ng mas malawakang pakikipag-ugnayang pampananampalataya upang magkaroon ng kapatiran ng mga kabihasnan, at ginamit niyang halimbawa ang patakaran sa mga talakayang pampananalig ng Pilipinas.
- 30 sa 51 kamerang pangmasid (halimbawa nakalarawan) ang nailagay na sa kahabaan ng mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila - partikular na sa EDSA - para makatulong sa pagtanaw ng mga sumusuway na mga nagmamaneho, mga tiwaling pulis trapiko, mga aksidente, at iba pang mga suliranin sa daan.
- Pagkaraan ng pag-uusap nina Sompong Amornvivat, Ministrong Panlabas ng Taylandiya, at Hor Namhon, Ministrong Panlabas ng Kambodya, na napagpasiyahang itatatag ng dalawang bansa sa Disyembre 2008 ang pagtatakda ng mga hangganan sa mga purok na may hidwaan, upang maiwasan ang pag-ulit ng mga sagupaang sandatahan.
- Isang lalaking Pilipinong iniulat na wala sa sarili ang nanganganib na maparusahan ng kamatayan sa Saudi Arabia matapos magmaneho ito ng bus at managasa ng pitong mamamayang Arabo.
- Pormal na ipinahayag na ng mga kinatawan ng Hilagang Korea sa mga militar ng Timog Korea ang pagsisimula sa unang araw ng Disyembre 2008 ng pagpuputol ng mga daanang panlupang nasa pagitan ng dalawang bansa.
- Pagbabalik-tanaw isinagawa ng buong mundo para sa ika-90 kaarawan ng Unang Digmaang Pandaigdig.
- Apat na bagyo ang nagpalubha sa mga katayuan ng mga gusali sa Hayti, at isa namang gumuhong paaralan sa bansa ang naging sanhi ng pagkasawi ng 94 na katao.
|
|
Napiling larawan |
|
Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan na ginagamitan ng mga simbulo, at nagpapahiwatig ng kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng sinasaad na kalawakan. Kadalasan, isang 2-dimensyong modelo ito ng isang 3-dimensyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga kompyuter at sistemang database, napalawig ang pagsulong ng Sistema ng Impormasyong Heograpiko. Isang lumang halimbawa ang Mapa ng Mundo noong 1689. Kuha ni: van Schagen/Tarawneh. – Marami pang larawang napili...
|
Alam ba ninyo  |
Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:
|
|